PNP: Babae na nakita ang bangkay sa loob ng ref, may dalang malaking halaga ng pera, ayon sa kaanak - GMA Network

Direct Source Verification: This story is aggregated from GMA News Online (gmanetwork.com). Full reporting rights and copyright belong to the primary publisher.
Tinitingnan ng Philippine National Police (PNP) ang anggulo na pera ang motibo sa likod ng pagpatay sa isang babae na nakita ang naagnas na bangkay sa loob ng refrigerator sa isang apartment sa Rodriguez, Rizal.

Tinitingnan ng Philippine National Police (PNP) ang anggulo na pera ang motibo sa likod ng pagpatay sa isang babae na nakita ang naagnas na bangkay sa loob ng refrigerator sa isang apartment sa Rodriguez, Rizal.

Sa press briefing nitong Biyernes, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Allen Rae Co, na batay sa impormasyon na ibinigay ng ama ng biktima, may dala umano na malaking halaga ng pera ang kaniyang anak.

β€œMoney nga, yung pera lang na hawak daw ng babae. According to the father of the victim ay merong maraming, malaking pera yung babae,” sabi ni Co.

Hinahanap pa rin ang lalaking nagpakilalang live-in partner ng biktima, at itinuturing siyang person of interest sa kaso.

Ayon sa pulisya, natuklasan na may nakabinbin na arrest warrant laban sa lalaki para sa kasong serious illegal detention.

Sa isang ulat ni Bam Alegre sa β€œWhat We Know So Far,” sinabing isasailalim sa DNA test ang mga nagpakilalang kaanak ng biktima.

Kasama ng mga imbestigador, ipina-identify sa mga nagpakilalang kaanak ang bangkay ng biktima. May nakita umanong mga identifying marks sa katawan ng babae pero humiling pa sila ng DNA test upang makatiyak.

Hindi muna nagbigay ng panayam o pahayag ang pamilya ng babae at humiling ng privacy.

β€œMeron po silang na-identify na mga features sa katawan, kagaya po ng nunal. Pero β€˜yung hitsura po kasi talagang hindi na po ma-identify,” sabi ni Michael Soriano officer in charge sa morge.

Original Source
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/1002892/pnp-babae-na-nakita-ang-bangkay-sa-loob-ng-ref-may-dalang-malaking-halaga-ng-pera-ayon-sa-kaanak/story/
Visit GMA News Online β†—
SHARE STORY:
𝕏 f in

Related Coverage in Crime